Ang Iyong Pangangalaga sa Ospital Matapos ang Operasyon. Matapos ang iyong operasyon, gigising ka sa Silid ng Pagpapagaling. Madalas kang bibisitahin ng iyong nars at bibigyan ng gamot para sa sakit. Kapag ikaw ay gising na, ililipat ka sa iyong silid. Mga Unang Oras Matapos ang Operasyon • Maaari ka nang bisitahin ng iyong pamilya kung ikaw ay nasa iyong sariling silid. • Madalas na susuriin ng mga nars ang iyong temperatura, presyon ng dugo, pulso at bilis ng paghinga. Maaari ka ring magkaroon ng clip sa iyong daliri na susuri sa dami ng hangin sa iyong dugo. • Susuriin ng iyong nars ang iyong tapal at pag-agos mula sa iyong hiwa. • Sabihan ang iyong nars kung ikaw ay hindi maginhawa. • Sabihin sa iyong nars sa lalong madaling panahon kung ang iyong hiwa ay namamaga o nagdurugo, o kung ikaw ay nakakaramdam ng sakit, pamamanhid o pangingilig sa iyong binti o braso. • Maaari kang magkaroon ng oksiheno at ng pang-subaybay sa puso nang ilang oras. • Maaari kang magkaroon ng tubo up
Pangangalaga sa Sarili Matapos
ang Ganap na Pagpapalit ng
Kasu-kasuan
ang Ganap na Pagpapalit ng
Kasu-kasuan
Sundin ang mga patnubay na ito sa pangangalaga hangga’t gumaling ang
iyong bagong kasu-kasuan sa susunod na 6 hanggang 8 linggo. Huwag
bibiglain o itutulak ang sarili upang hindi makaramdam ng anumang
sakit.
Sariling Pangangalaga
• Aalis ka sa ospital 1 hanggang 3 araw matapos ang operasyon.
Ang mga tagubilin ng sariling pangangalaga ay rerepasuhin sa
iyo. Kakailanganin mo ng muling pagbisita. Bibigyan ka ng date o
telephone number upang makatawag para sa muling pagbisita.
• Maaaring palitan ang iyong mga gamot matapos ang operasyon.
Bibigyan ka ng mga reseta para sa bagong mga gamot at sasabihan ka
rin kung anong mga gamot ang dapat mong ituloy na inumin matapos
ang iyong operasyon.
• Gamitin ang iyong tulong sa panlakad o tungkod ayon sa tagubilin.
• Mangangailangan ka ng tulong pagdating sa bahay. Kung
kinakailangan, ang koponang nangangalaga sa iyong kalusugan ay
tutulong sa iyong mag-aregla ng sariling pangangalaga, kagamitan,
pisikal na terapi o isang pasilidad ng pinahabang pangangalaga.
Tawagan ang iyong doktor kaagad kung ikaw ay mayroong:
• Pamumulang lumalala, pamamaga o pag-agos mula sa hiwa
• Lagnat na lampas 101 degrees F o 38 degrees C
• Nagsisimulang mga tabi ng sugat na naghihiwalay
• Pananakit, pangingilig, pamamanhid o panlalamig ng binti
Pangangalaga ng Iyong Hiwa
• Maaaring isara ang iyong hiwa sa pamamagitan ng mga staple, mga
tahi o espesyal na teyp na tinatawag na mga steri-strip.
• Hugasan nang dahan-dahan ang iyong hiwa nang may gamit na sabon
at tubig, at tapikin hangga’t sa matuyo gamit ang isang malinis na
tuwalya. Huwag maglagay ng lotion o mga pulbos malapit sa iyong
hiwa.
• Maaari kang maligo pagkalipas ng 2 araw pagkatapos ng operasyon.
Huwag hayaang direktang mabasa ng tubig mula sa shower ang iyong
hiwa sa loob ng unang dalawang linggo. Huwag maligo sa tub sa loob
ng dalawang linggo pagkatapos ng iyong operasyon.
• Ang mga staple o mga tahi ay tatanggalin sa iyong muling pagbisita.
Magsisimulang matanggal ang mga steri-strip matapos ang 7
hanggang 10 araw. Kung hindi pa natatanggal ang mga ito matapos
ang 2 linggo, maaari mong tanggalin ang mga ito nang dahan-dahan.
Pamamaga
• Matapos ang ganap na pagpapalit ng kasu-kasuan, pangkaraniwan
ang pamamaga ng paa, bukung-bukong, tuhod at hita.
• Upang maiwasan ang pamamaga, itaas ang iyong mga paa na mas
mataas sa kinalalagyan ng iyong puso sa loob ng 45 hanggang
60 minuto. Gawin ito 2 beses sa isang araw.
• Kapag ang pamamaga ay hindi nabawasan matapos matulog buong
magdamag o matapos itaas ang mga binti sa araw, tumawag sa iyong
doktor.
• Maaari kang pagsuutin ng iyong doktor ng nababanat na medyas
upang mabawasan ang pamamaga. Kung gayon, isuot ang medyas sa
araw at hubarin sa gabi. Labhan ang medyas at patuyuin. Humingi ng
tulong sa pagsusuot at paghuhubad ng medyas nang dahan-dahan.
Mga Gamot na Pampanipis ng Dugo
• Maaaring iutos ng iyong doktor ang pag-inom ng gamot na
pampanipis ng dugo sa loob ng 1 hanggang 3 linggo, upang
mabawasan ang iyong panganib sa mga pamumuo ng dugo. Ang
gamot na ito ay maaaring ibigay sa pamamagitan ng iniksiyon sa
iyong tiyan. Tuturuan kang gumamit ng gamot na ito.
• Kung umiinom ka ng aspirin, mga produktong may aspirin, mga
gamot sa artritis, o iba pang pampanipis ng dugo, makipag-usap sa
iyong doktor upang malaman kung dapat kang tumigil sa pag-inom
ng mga gamot na ito habang ikaw ay iniiniksiyunan.
Pag-upo
• Huwag uupo nang mahigit sa 30 minuto kada beses. Tumayo,
maglakad at palitan ang iyong posisyon.
• Iwasan ang mahahabang biyahe sa kotse. Kung kailangan mong
magbiyahe, tumigil bawa’t 30 minuto kung nagmamaneho nang
malayuan. Bumaba ng kotse at mag-ikot. Pipigilan nito ang pamumuo
ng dugo, babawasan ang pamamaga at makakatulong bawasan ang
paninigas ng kasu-kasuan.
Paglakad
• Sa lahat ng mga gawain, gamitin ang iyong tulong sa panlakad o
tungkod upang hindi matumba.
• Huwag maglalakad na di-gamit ang iyong tulong sa panlakad
o tungkod hangga’t hindi ka sinasabihan ng iyong doktor na
tumigil sa paggamit nito.
• Laging maglakad sa pantay na lupa at lumabas ng bahay kapag
maganda ang panahon. Kapag umuulan, ang malaking mga tindahan
ay mainam na mga lugar na paglakaran
Pagtulog
• Huwag matutulog sa kamang di-tubig hangga’t hindi ka pinapayagan
ng iyong doktor.
• Kung ikaw ay sumailalim sa pagpapalit ng baywang, matulog sa
iyong likod nang may unan sa pagitan ng iyong mga tuhod at 8
hanggang 12 pulgada (20 hanggang 30 cm) ang layo ng iyong mga
binti sa isa’t isa. Huwag matutulog sa iyong gilid o sikmura.
Pag-akyat ng Hagdanan
• Sa una mong mga linggo sa bahay, maaari kang umakya’t baba ng
hagdanan, isang beses sa isang araw na may katulong.
• Siguraduhing mayroong kaibigan o kapamilya na tatayo sa likod mo
paakyat, at sa harap mo naman sa pagbaba. Humawak sa barandilya
ng hagdanan.
Pagtatalik
• Pagkatapos ng pagpapalit ng tuhod, maaari kang makipagtalik muli
kung ikaw ay handa na.
• Pagkatapos ng pagpapalit ng baywang, maaari kang makipagtalik
muli matapos ang 6 hanggang 8 na linggo mula sa araw ng
operasyon. Pinakamainam na ikaw ang nasa ilalim, at siguraduhing
nakabuka ang iyong mga binti at bahagyang nakabaluktot. Iwasan
ang labis na pagyuko o pamimilipit ng baywang. Huwag iiikot nang
papasok ang iyong binti. Matapos ang ilang mga buwan ng paggaling,
maaari ka nang makipagtalik sa anumang komportableng posisyon.
Pagmamaneho
• Huwag magmaneho hangga’t hindi pinapayagan ng iyong doktor –
kadalasan 6 na linggo matapos ang operasyon.
• Magmaneho lamang kung kaya mong pigilan ang binting sumailalim
sa operasyon at kung ikaw ay hindi umiinom ng gamot para sa sakit.
Iba Pang Mga Espesyal na Pag-iingat Pagkatapos ng
Operasyon sa Pagpapalit ng Balakang
Maaaring kailanganin mong sundin ang mga pag-iingat na ito upang
protektahan ang bagong kasu-kasuan ng iyong balakang habang
naghihilom ang iyong mga muscle. Sundin ang mga limitasyong ito nang
2 hanggang 6 na buwan, o alinsunod sa inutos ng iyong doktor.
• Huwag idekwatro ang iyong mga binti sa mga tuhod o sa bukong-
bukong habang umuupo o humihiga.
• Huwag umupo sa mga mababang kalatagan gaya ng mga upuan,
kubeta, at upuan ng kotse. Umupo nang mas mataas ang iyong
balakang sa iyong mga tuhod.
• Huwag pilipitin ang baywang. Galawin ang iyong buong katawan
kapag umiikot.
• Huwag yumuko paharap sa baywang nang hihigit sa 90° o itaas ang
iyong tuhod nang mas mataas sa iyong balakang.
• Huwag ikutin papasok ang iyong mga tuhod habang umuupo o
humihiga.
• Huwag umupo nang malapit ang iyong mga binti sa isa’t isa.
Panatilihing magkahiwalay nang 8 hanggang 12 pulgada
(20 hanggang 30 cm) ang iyong mga paa habang umuupo.
Mga Aktibidad Matapos Gumaling ang Iyong Kasu-kasuan
• Maaaring masira ang iyong bagong kasu-kasuan sa magaslaw
na pakikitungo. Iwasan ang mga gawaing magsasanhi nang labis
na kapaguran o makapipinsala ng kasu-kasuan tulad ng baseball,
basketball, pagtakbo at tennis.
• Gawin ang iyong mga pisikal terapi na ehersisyo upang mapalakas
ang iyong mga kalamnan at mga litid para masuportahan ang iyong
kasu-kasuan.
• Panatiliin ang malusog na timbang para sa iyong taas.
• Kapag magaling na ang iyong kasu-kasuan, mga 6 hanggang 8 linggo
pagkatapos ng operasyon, maaari ka nang bumalik sa mabagal na
pagsasayaw, paglangoy at iba pang mga gawain. Makipag-usap sa
iyong doktor bago magsimula ng anumang bagong gawain.
Paglalakad sa Tubig
• Ang paglalakad sa tubig ng languyan ay nakapagpapahinga at
nagpapalakas ng mga kalamnan sa baywang at binti.
• Huwag maglalakad sa tubig kung walang pahintulot ang iyong doktor
at kapag ang iyong hiwa ay hindi pa ganap na magaling – kadalasan 6
na linggo matapos ang operasyon.
• Pumasok sa languyan kung saan ang tubig ay aabot lamang hanggang
sa dibdib. Humawak sa gilid ng languyan at maglakad nang 15
hanggang 20 minuto. Ulitin 3 hanggang 5 araw bawa’t linggo.
Pagpigil ng Impeksyon
• Mahalagang pigilan at gamutin ang mga impeksyon dahil ito ay
maaaring mapunta sa dugo patungo sa iyong kasu-kasuan.
• Kailangan mong unimom ng antibayotiko bago sumailalim sa
anumang bagong operasyon o pangangalagang pang-ngipin.
Tumawag sa iyong pampamilyang doktor at sabihin kung ano ang
iyong ipapagawa at humingi ng reseta para sa mga antibayotiko.
• Sabihan ang lahat ng iyong mga doktor, pati na ang iyong dentista, na
ikaw ay sumailalim sa pagpapalit ng kasu-kasuan.
• Pumunta sa iyong dentista tuwing 6 na buwan upang mapigilan ang
impeksyon mula sa ngipin. Bago bumisita, tumawag sa iyong dentista
upang humingi ng reseta para sa mga antibayotiko.
• Kung inaakala mong mayroon kang impeksyon, tumawag sa iyong
doktor.
Makipag-usap sa koponang nangangalaga sa iyong kalusugan kung
ikaw ay may mga tanong o mga pag-aalala ukol sa pangangalaga ng
iyong bagong kasu-kasuan
Comments
Post a Comment