Ahenteng nagdudulot
• Isang malalang impeksiyon na idinulot ng varicella-zoster virus
• Pangunahing nakaaapekto sa mga bata na wala pang 12 taon ang edad
• Halos lahat ng mga tao ay nagkakaroon ng panlaban sa sakit habambuhay
pagkatapos ng impeksiyon sa bulutong-tubig
• Ang virus ay maaaring manatiling nanahimik sa katawan at babalik sa maraming
taon sa kinalaunan bilang herpes zoster (shingles)
Mga klinikal na katangian
• Lagnat
• Mga pantal-pantal sa balat na makati na unang lumilitaw bilang mga pantay na
mantsa at kinalaunan bilang mga supot-suputan. Ang mga supot-suputan ay
magpapatuloy sa loob ng 3 – 4 araw, pagkatapos manunuyo at mamumuo ng mga
langib
• Karaniwang gumagaling sa loob ng halos 2 – 4 linggo
• Ang mga tao na binakunahan laban sa bulutong-tubig ay maaaring magkaroon ng
bulutong-tubig (kilala bilang ‘sakit na lumusot’). Ang klinikal na presentasyon ay
kadalasang katamtaman o hindi karaniwan. Maaaring may mgakakaunting sugat
sa balat at ang pantal sa balat ay kadalasang maculopapular na may kakaunti o
walang supot-suputan. Kumpara sa mga taong hindi binabakunahan, ang tagal ng
sakit kadalasang hindi gaano
Modo ng transmisyon
‧ Maaaring ihawa sa pamamagitan ng tilamsik ng laway o hangin
‧ Maaari ring ihawa sa pamamagitan ng tuwiran o hindi tuwirang pakikipag-
ugnayan sa lumalabas mula sa mga supot-suputan at mucous membrane ng isang
taong may bulutong-tubig o herpes zoster
Yugto ng inkubasyon
‧ 10 – 21 araw, karaniwang 14 – 16 araw
Yugto ng pagiging nakahahawa
‧ Kadalasang 1 – 2 araw bago lumitaw ang pantal at hanggang sa ang lahat ng mga
supot-suputan ay nanuyo
‧ Lubhang nakahahawa, lalo na sa maagang yugto ng pagdami ng pantal
Comments
Post a Comment