Ang Iyong Pangangalaga sa Ospital Matapos ang Operasyon.
Matapos ang iyong operasyon, gigising ka sa Silid ng Pagpapagaling. Madalas kang
bibisitahin ng iyong nars at bibigyan ng gamot para sa sakit. Kapag ikaw ay gising na, ililipat ka sa iyong silid.
Mga Unang Oras Matapos ang Operasyon
• Maaari ka nang bisitahin ng iyong pamilya kung ikaw ay nasa iyong sariling silid.
• Madalas na susuriin ng mga nars ang iyong temperatura, presyon ng dugo, pulso at
bilis ng paghinga. Maaari ka ring magkaroon ng clip sa iyong daliri na susuri sa dami ng hangin sa iyong dugo.
• Susuriin ng iyong nars ang iyong tapal at pag-agos mula sa iyong hiwa.
• Sabihan ang iyong nars kung ikaw ay hindi maginhawa.
• Sabihin sa iyong nars sa lalong madaling panahon kung ang iyong hiwa ay namamaga
o nagdurugo, o kung ikaw ay nakakaramdam ng sakit, pamamanhid o pangingilig sa iyong binti o braso.
• Maaari kang magkaroon ng oksiheno at ng pang-subaybay sa puso nang ilang oras.
• Maaari kang magkaroon ng tubo upang paagusin ang ihi mula sa iyong pantog o
iba pang mga tubo upang paagusin ang mga likido. Ang mga tubong ito ay madalas
na tinatanggal bago ka umuwi ng bahay. Kapag ang mga tubong ito ay kailangang
maiwan sa iyong pag-uwi, tuturuan kang gamitin ang mga ito.
• Maari kang sumailalim sa EKG, x-ray ng dibdib o mga pagsusuri ng dugo.
• Kakausapin ka ng iyong doktor tungkol sa iyong operasyon.
Mga Likidong IV (Sa Ugat) at mga Antibayotiko
• Makaka-tanggap ka ng mga likido sa pamamagitan ng paggamit ng tubong IV, papasok
sa iyong mga ugat, sa loob ng maikling panahon. Mananatili ang IV hanggang ikaw
ay handa nang uminom ng mga likido matapos ang iyong operasyon. Kapag ikaw ay
binibigyan ng gamot sa pamamagitan ng paggamit ng IV, maaaring manatili ito nang
mas mahabang panahon.
• Maaari kang bigyan ng mga antibayotiko upang mapigilan mong makakuha ng impeksyon
Hiwa
• Tatakpan ang iyong hiwa ng tapal. Susuriin ng iyong mga doktor at mga nars ang
iyong tapal, at papalitan kung kailangan. Liliit ang tapal sa paggaling ng iyong hiwa.
• Ang iyong hiwa ay isasara sa pamamagitan ng mga tahi, mga staple o espesyal na
mga teyp, na tinatawag na mga steri-strip. Aalisin ang mga ito sa loob ng 7 hanggang
14 na araw, sa muli mong pagbisita sa iyong doktor.
• Tuturuan ka ng iyong nars kung paano mo pangangalagaan ang iyong tahi.
Pagpigil ng Sakit
• Pipilitin naming ikaw ay guminhawa. Tatanungin ka ng iyong nars kung ano ang
antas ng iyong sakit, gamit ang sukatang 0 hanggang 10, kung saan ang 0 ay walang sakit at ang 10 ay ang pinaka-masakit.
• Maaasahan mong makakaramdam ng kaunting sakit sa kinalalagyan ng iyong hiwa,
ilang araw matapos ang iyong operasyon. Maaari ka ring makaramdam ng kaunting
pananakit sa iba pang bahagi ng iyong katawan dahil sa iyong naging posisyon noongikaw ay sumasailalim sa operasyon.
• Bibigyan ka ng iyong doktor ng gamot para sa sakit. Siguraduhing sabihin sa iyong
nars kung ikaw ay nakakaramdam ng sakit o kung kailangan mo ng gamot.
Humingi ng gamot para sa sakit bago ito lumala. Kapag hindi napangasiwaan ang
iyong sakit, matatagalan kang gumaling. Kadalasan ay nakakatulong ang pag-inom ng
gamot bago gawin ang anumang gawain o bago lumala ang sakit. Kapag lumala angiyong sakit o hindi napagaling ng gamot, magsabi sa iyong nars.
Gawain
• Huwag babangon nang walang katulong. Sasabihan ka ng mga tauhan kung kailan kamaaaring tumayong mag-isa.
• Tutulungan kang umupo sa gilid ng iyong kama sa umpisa. Ang iyong gawain ay
daragdagan simula sa pag-upong mag-isa, paglalakad sa silid at paglalakad sa pasilyo.
Bawa’t araw, kailangang madagdagan ang dalas ng iyong pagbangong mag-isa atpaglalakad nang malayo.
• Mag-ehersisyo ng mga baga sa pamamagitan ng paggamit ng isang incentive
spirometer upang mapigilan ang mga problema matapos ang operasyon. Ang pag-ubo at paghinga nang malalim ay makakatulong din sa pagpapalinaw ng iyong mga
baga. Gumamit ng unan o nakatiklop na kumot, na nakatakip sa tiyan o dibdib, upang
mapangalagaan ang anumang hiwa kapag ikaw ay umubo. Pauubuhin ka nito nang
mabuti at makakatulong makabawas ng sakit. Gawin ang mga ehersisyong ito tuwing 1hanggang 2 oras, habang ikaw ay gising.
Pamumuo ng Dugo
Upang mapigilan ang panganib ng pamumuo ng dugo:
• Tutulungan ka ng mga tauhang bumangon sa kama at maglakad.
• Tuturuan ka ng mga tauhan ng isang ehersisyo natinatawag na ankle pumps, na makakatulong sa
pagdaloy ng dugo sa iyong binti. Gawin ang anklepumps bawa’t oras habang ikaw ay gising.
• Maaari kang pagsuutin ng espesyal na medyas sa
iyong binti. Minsan, gumagamit ng mga plastic
wrap na nakakonekta sa isang air pump habang nakahiga ka.
Humihigpit at lumuluwag ito sa palibot ng iyong binti upang
makatulong sa pagdaloy ng iyong dugo.
• Maaari kang bigyan ng mga iniksiyon ng gamot sa tiyan upang mapanipis ang iyong dugo.Diyeta at Pagdumi
• Maaari kang bigyan ng mga tapyas ng yelo sa simula. Kung hindi ka nahihilo, bibigyan
ka ng malinaw na mga likido, at matapos nito ay magaan na mga pagkain. Maaari kalamang bigyan ng regular na pagkain, isa o dalawang araw, matapos ang operasyon.
• Magsabi sa nars kung ikaw ay nahihilo.
• Ang operasyon at gamot para sa sakit ay maaaring magsanhi ng hindi pagdumi.Tatanungin ka ng mga nars tungkol sa iyong pagdumi. Maaari kang bigyan ng mgapampalambot ng dumi o mga pampatunaw.
Paghahandang Umuwi
• Tuturuan ka ng mga tauhan tungkol sa iyong pangangalaga sa bahay at bibigyan ka ngnakasulat na mga tagubilin.
• Hinihikayat ang pamilya at mga kaibigang matuto tungkol sa iyong pangangalagaupang matulungan ka sa bahay, kung kailangan. May kasama ka dapat sa loob ng 24na oras hanggang 2 linggo matapos ang operasyon, batay sa uri ng operasyong iyongpinailaliman.
• Kung wala kang makakasama, magsabi sa tanggapan ng iyong doktor bago ang iyong operasyon, upang mapag-usapan ang mga opsyon ng iyong pangangalaga matapos angiyong operasyon. Ang ibang mga pasyente ay maaaring mangailangang manatili nangsandali sa isang pasilidad ng reabilitasyon, pag-alis ng ospital.
Comments
Post a Comment