Ano ang mga Sintomas ng Sakit sa Pag-Iisip?
Ang mga sintomas ay nauuri sa mga “positibo” at “negatibong” grupo.
Positibong Sintomas – Abnormal na Kondisyong Pangkaisipan
Kahibangan – kaguluhan sa pag-iisip Guniguni – kaguluhan sa pang-unawa
Negatibong Sintomas – Pagkasira ng Normal na Proseso ng pag-iisip
Pagkawala ng Kusa Mapurol na emosyon at pag-iisip
Kung ikaw ay nakakaramdam ng mga naturang sitwasyon, kumonsulta sa doktor o sa isang
dalubhasa sa klinikal na sikologo para sa propesyunal na pagtatasa upang makatanggap ng
nararapat na tulong at lunas. Ang maagang paglunas ay kailangan sa pagpapagaling.
Paano Gamutin ang Sakit sa Pag-iisip?
Paggamot
Ang mga gamot na
Antipsychotics ay
makakatulong upang
mabalanse ang antas ng
dopamine sa utak upang
maibsan ang positibong
sintomas ng sakit sa pag iisip
at maiwasan ang pagbalik nito.
Ang pasyente ay maaaring
magkaron ng malinaw na
pag-iisip at makakabalik sa
normal na pamumuhay.
Sikologong
Paglunas
Ang sikologong paglunas ay
madalas na ginagawa kasabay
ng pagbibigay ng gamot.
Nakakatulong ito sa pasyente
na matutong mabuhay sa
kanyang mga sintomas at
maibsan ang pagkagulo ng
kaisipan.
C Pagsasanay sa
Rehabilitasyon
Ang pagsasanay sa rehabilitasyon
(tulad ng pagsasanay na magkaron
ng kasanayang makibagay sa
lipunan at pagtatrabaho ng may
suporta) ay tumatalakay sa mga
negatibong sintomas. Ang
pagkakaron ng pagsasanay sa
rehabilitasyon sa maagang yugto
ng sakit sa pag-iisip ay nagbibigay
sa pasyente na magkaroon ng
importanteng kasanayang
makibagay sa lipunan na
magagamit sa pang-araw araw na
pamumuhay at makakatulong
magbalik sa pasyente sa normal
na buhay sa lipunan.
Pagtulong ng
Pamilya
Ang pagtulong ng pamilya ay
isang importanteng paraan ng
paglunas. Matutulungan ng
tagapaglunas ang pamilya
upang matalakay ang
problema at magkaron ng mga
hakbang at stratehiya para sa
bawat miyembro, at magbigay
sa kanila ng sapat na
impormasyon tungkol sa sakit.
Comments
Post a Comment