Ang Iyong Pangangalaga sa Ospital Matapos ang Operasyon. Matapos ang iyong operasyon, gigising ka sa Silid ng Pagpapagaling. Madalas kang bibisitahin ng iyong nars at bibigyan ng gamot para sa sakit. Kapag ikaw ay gising na, ililipat ka sa iyong silid. Mga Unang Oras Matapos ang Operasyon • Maaari ka nang bisitahin ng iyong pamilya kung ikaw ay nasa iyong sariling silid. • Madalas na susuriin ng mga nars ang iyong temperatura, presyon ng dugo, pulso at bilis ng paghinga. Maaari ka ring magkaroon ng clip sa iyong daliri na susuri sa dami ng hangin sa iyong dugo. • Susuriin ng iyong nars ang iyong tapal at pag-agos mula sa iyong hiwa. • Sabihan ang iyong nars kung ikaw ay hindi maginhawa. • Sabihin sa iyong nars sa lalong madaling panahon kung ang iyong hiwa ay namamaga o nagdurugo, o kung ikaw ay nakakaramdam ng sakit, pamamanhid o pangingilig sa iyong binti o braso. • Maaari kang magkaroon ng oksiheno at ng pang-subaybay sa puso nang ilang oras. • Maaari kang magkaroon ng tubo up
WASTONG PAGGAMITN G MGA PANTABOY INSEKTO Basahin munang mabuti ang nakasulat na mga instruksiyon Maglagay bago pa pumasok sa lugar kung saan maaari kang makagat ng mga lamok Magpahid sa balat na hindi natatakpan ng damit Magpahid muna ng sunscreen, pagkatapos ay maglagay ng pantaboy insekto Gumamit ng DEET hanggang 30% para sa buntis at hanggang 10% para sa mga bata* Ulitin lang ang paglagay kapag kailangan at sundin ang mga instruksiyon Mga Intruksiyon *Para sa mga batang bumibiyahe sa mga bansa o lugar kung saan may kasaysayan o epidemya ng mga sakit na dala ng lamok at may posibilidad na mahawa mula rito, ang mga batang may edad 2 buwan o higit pa ay maaaring gumamit ng DEET na may pantaboy lamok at may tapang ng DEET na hanggang 30%.